-- Advertisements --
Nagsimula na ang tinaguriang pinakamalaking military exercise ng mga miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Isasagawa ito sa Baltic States sa northeastern region ng Europe na sakop ng mga bansang Estonia, Latvia at Lithuania.
Tinawag ito na “Hedgehog” kung saan kabilang dito ang 10 bansa gaya ng Sweden at Finland.
Magtatagal ang nasabing military exercise ng hanggang Hunyo 3.
Paglilinaw ng NATO na ang nasabing exercise ay para mapatibay ang kahandaan at kooperasyon ng mga bansa.
Aabot sa mga 15,000 na sundalo ang lalahok sa nasabing military exercise sa Estonia na tinaguriang pinakamalaking military drills sa bansa na may layong 64 kilometers sa pinakamalapit na military base ng Russia.