Natanggal ng mga doktor sa Sri Lanka ang 3.1 kilogram na bladder stone mula sa isang lalaki.
Itinuturing ng mga doktor na ito na ang pinakamalaking bladder stone na kanilang natanggal sa kasaysayan.
Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa isang pagamutan sa Trincomalee ng Eastern Sri Lanka.
Noong nakaraang linggo ay na-confine ang 55-anyos na lalaki matapos na ma-stroke habang ito ay nagpapagaling ay nadiskubre ng mga doktor ang bato sa kaniyang urinary bladder dahil sa hirap nitong pag-ihi.
Sa isingawang operasyon sa pasyente ay natanggal nila ang bladder stone na ito ay sing-bigat ng isang sanggol at may laki ng kahalintulad ng itlog ng ostrich.
Sinabi ni Dr Prahalahan Balakrishnan na ito na ang pinakamalaking bladder stone na kanilang natanggal sa pag-opera.
Nananatiling nasa mabuting kalagayan naman ang pasyente matapos ang operasyon habang ito ay nagpapagaling pa rin sa pagamutan.
Malaki rin ang paniwala ng doktor na maaaring ang bato ay nasa loob ng pasyente ng mahigit lima o hanggang 10 taon.
Nabubuo ang bladder stone kapag ang mga minerals sa urine crystallise ay nabubuo.
Kapag lumaki ito ay magdudulot sa pasyente ng hirap sa pag-ihi.
Base sa record ng Guinness World Records na ang pinakamalaking bladder stone na natanggal sa isang pasyente ay nangyari noong 2003 sa Brazil na ito ay nagtitimbang ng 1.9 kgs at mayroong haba na 17.9 cm. habang ang nakuha sa Sri Lanka ay may haba ng hanggang 17 cm.
















