-- Advertisements --

Inaresto ng mga awtoridad sa Sri Lanka ang ilang indibidwal dahil sa ilegal na pagtatago at pagho-hoard ng gasolina at diesel sa gitna ng takot sa kakulangan ng suplay dulot ng tensyon sa Middle East.

Kabilang sa mga insidente ang paghuli sa isang 46-anyos na negosyante na may 6,600 litro ng diesel at 120 litro ng gasolina.

Sa Hambantota City, isang lalaki ang inaresto matapos makumpiska ang halos 500 litro ng gasolina at diesel sa kanyang bahay.

Sa Negombo, Puthukkudiyiruppu, at Hingurakgoda, tatlong magkakahiwalay na raid ang ikinasa na nagresulta sa pagkakumpiska ng mahigit 1,000 litro ng diesel sa isang bangka at iba pang mga deposito noong Marso 26.

Pinangunahan ng Walana Anti-Vice Squad ang mga operasyon at iba pang units ng pulisya.

Nagbabala naman ang mga awtoridad sa Sri Lanka laban sa panic buying at ilegal na pagtatago ng petrolyo, kasunod ng paghihigpit sa pagbenta nito sa mga bote at lata.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa mga nagsarang gasolinahan na hinihinalang nagtatago ng suplay.