-- Advertisements --

Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines na isa sa pinakamalaking military drills ang gagawin nila ng US sa susunod na buwan.

Ayon kay Colonel Michael Logico, director ng Armed Forces of the Philippines’ training center at tagapagsalita ng Balikatan na aabot sa 17,600 na mga sundalo ang kalahok.

Gaganapin ito mula Abril 11 hanggang 28 kung saan 12,000 dito ay mga sundalo ng US.

Sinabi naman ni US Embassy Press Attaché Kanishka Gangopadhyay na hindi nila basta isasawalat ang deployment ng mga sundalo ng US para na rin sa kanilang kaligtasan.

Kabilang sa gagawin nila ay ang “live fire exercise” sa mga karagatan.

Nahigitan nito ang isinagawang Balikatan exercise noong 2015 kung saan mahigit 11,000 sundalo ang lumahok.