-- Advertisements --
Naitala ng mundo ang pinakamainit na araw nitong Huwebes.
Ayon sa US National Centers on Environmental Prediction, nabasag na nito ang record na naitala nitong Lunes kung saan halos araw-araw ay tumataas ang temperatura.
Ang global average temperature kasi ay pumalo na sa 17.23 degress Celcius o katumbas ng 63.01 fahrenheit.
Nakakaranas ngayon ng matinding heatwaves ang US at China habang mayroong mahigit 100 katao ang nasawi sa Mexico.
Magugunitang sinabi ng Copernicus Climate Change Service ng European Union na ang buwan ng Hunyo ang siyang pinakamainit na buwang naitala na nahigitan ang buwan din ng Hunyo noong 2019.
Naniniwala naman gan ilang eksperto na tataas pa lalo ang temperatura sa mga susunod na mga araw.