-- Advertisements --
bigas rice palengke

Mabibili sa halagang P65 kada kilo ang pinakamahal na retail price ng bigas sa mga palengke sa Metro Manila.

Base sa price monitoring ng DA, ang retail price ng imported at local rice noong Sept. 12 ay naglalaro sa P41 hanggang P65 sa rehiyon.

Ang pinakamahal na bigas ay ang Imported Special na mabibili sa presyong P53 hanggang P65 kada kilo.

Habang pinakamura naman na presyo sa NCR ay P41 kada kilo hanggang P45 para sa local regular milled rice dahil na rin sa pinaiiral na price cap ng pamahalaan.

Sa nagyon, ayon sa DA nananatiling hindi available ang Imported Regular Milled rice sa merkado.

Kabilang sa minonitor ng DA ay ang mga palengke sa metropolis ay ang Commonwealth, Guadalupe, Las Piñas, Malabon, Marikina, Mega Q-Mart, Muntinlupa, Muñoz, Pasay, Pasig, Pritil, Quinta, at San Andres.