-- Advertisements --
CEBU CITY – Naitala sa Cebu City ang pinakamababang mortality rate sa buong Pilipinas.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH)-7, nasa 0.75 percent ang mortality rate sa lungsod ng Cebu.
Pero sa kabila nito ay patuloy namang nadadagdagan ang bilang ng mga nagpopositibo.
Gayunman sinabi ni Vince Dizon, ang deputy chief implementer ng National Action Plan Against COVID-19, normal lang na tumaas ang bilang mga confirmed cases dahil sa mas pinalawak na kapasidad ng COVID-19 testing.
Umaasa si Dizon na mapanatiling mababa ang mortality rate sa lungsod, na mas mababa pa sa global average death rate na 6 percent.