Nakarating na sa Nairobi, Kenya ang 16-anyos na binata na magtatangkang maging pinakabatang taon na nakaikot sa buong mundong mag-isa gamit ang maliit na eroplano.
Si Mack Rutherford na siang British at Belgian national ay magtatangka na makuha ang record ng pinakabatang tao na maikot ang buong mundo.
Nais nitong mahigitan ang ginawa ng 18-anyos na si Travis Ludlow na umikot sa buong mundo gamit rin ang eroplano noong nakaraang taon.
Sinabi ni Rutherford, na nagsimulang ikotin ang mundo noong Marso, ay nais niyang maging inspirasyon sa mga kabataan.
Inamin naman ng gumawa ng ultralight aircraft na Shark Aero na masyadong delikado ang ginagawang pagbiyahe ni Rutherford.
Bagamat tiwala sila sa lakas ng loob ng Rutherford ay hindi pa rin matanggal ang kanilang pangamba.
Galing sa pamilya ng piloto, nagsimulang makabisado ni Rutherford ang eroplano noong ito ay pitong taong gulang lamang kung saan nakaupo ito katabi ang pilotong ama.
Noong 15-anyos pa lamang ay naging pinakabatang piloto sa buong mundo na sinusundan ang yapak ng kapatid na babaeng si Zara siyang kinilala bilang youngest woman na nakapaglipad ng eroplano sa edad 19.