-- Advertisements --

Naguguluhan ngayon ang ilang Chinese nationals kaugnay nang ipinatupad na bagong travel policy ng Japan.

Ang mga turistang manggagaling mula China at South Korea ay isasailalim sa 14 days quarantine at mai-invalidate din ang visa ng mga ito.

Lubhang apektado sa bagong patakaran na ito ang mga indibwal mula Hong Kong at Macao.

Sa Chinese social networking site na Weibo, isang Chinese citizen ang naglabas ng kaniyang saloobin. Ayon sa netizen. posible raw na kakaunti na lamang ang mga taong magnanais na bumalik sa Japan dahil sa bagong patakaran.

Ngunit may ibang netizen pa rin na ipinagtanggol ang desisyon ng Japan. Sa pamamagitan daw nito ay mas mapapangalagaan ang kapakanan ng mga Chinese at South Koreans.

Nagpahayag din ng saloobin ang mga foreign students na nag-aaral sa Japan. Maaari raw kasing maapektuhan ang status ng kanilang visa dahil sa naturang travel policy.