-- Advertisements --
Namataan din ng Colombia ang katulad ng pinaghihinalaang Chinese spy balloon na binaril sa Latin America matapos na magbabala ang United States ukol sa nasabing bagay.
Ayon sa Air Force ng Colombia, ang bagay na may mga katangian na katulad ng umano’y spy balloon ay nakita at sinubaybayan hanggang sa makaalis ito sa teritoryo ng naturang bansa.
Dagdag dito, ito ay may taas na 55,000 feet o 17,000 meters at may average na bilis na 25 knots o katumbas ng 46 kilometers per hour.
Sa ngayon, nagsasagawa na ang mga opisyal ng Colombia ng pagsisiyasat at nakikipag-ugnayan na sa ibang pang mga bansa upang alamin ang pinagmulan ng naturang spy balloon.