Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng pilot test para sa pagboto sa limang mall sa National Capital Region sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang kabataan elections sa Oktubre ngayong taon.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, isasagawa ang pilot test sa SM Manila, Robinsons Manila upang makaboto rina ng mga seaferers, sa Robinsons Magnolia at dalawang iba pa sa malls sa National Capital Region.
Ang dahilan aniya na pagsasagawa ng pilot testing ay dahil sa mas malawak na espasyo na iniaalok ng mga mall na libre naman.
Ilan pa sa mga bentahe ng pagsasagawa ng pagboto sa loob ng mga mall ayon sa Comelec Chairman ay ang seguridad, pag-iwas sa pamamahagi ng sample ballots at preservation na rin ng mga kagamitan ng eskwelahan gaya ng mga upuan.
Magsasagawa naman daw ang Comelec ng information dissemination para sa mga maitatalagang bumoto sa mga presinto sa loob ng mga mall.
Hindi din aniya ipagbabawal ang mga watcher para mamonitor ang pagbibilang ng mga boto basta’t walang anumang banta sa ginagawang proseso sa pagbibilang ng mga boto.
Sa ngayon, base sa data ng Comelec noong Enero 21, mahigit Over 1.5 million voters na ang nakapagrehistro para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).