-- Advertisements --
Tinanggal na ng World Anti-Doping Agency (WADA) ang Pilipinas matapos na tugunan nito ang ilang mga usapin.
Kinumpirma ito ni WADA’s Chief Compliance Manager Emiliano Simonelli kung saan kuntento sila sa naging tugon ng Philippine Sports Commission sa mga requirements na kanilang kinakailangan.
Ikinatuwa naman ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann ang nasabing balita kung saan tiniyak niya na isusulong nila lagi ang pagkakaroon ng doping-free sports environment ang bansa.
Magugunitang binalaan ng WADA ang PSC na hindi makakalahok ang Pilipinas sa anumang international events kapag bigo sila pag-comply sa WADA code.