Tinitingnan ng Pilipinas ang isang free trade deal sa United States habang hinihintay ang renewal ng eligibility nito sa US GSP o Generalized System of Preferences program na nag-expire noong 2020.
Ang Generalized System of Preferences ay isang programa sa kalakalan na nagbibigay ng walang bayad na pag-import ng mga piling produkto mula sa mga karapat-dapat na umuunlad na bansa.
Sinabi ni Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo na hinihintay ng Pilipinas ang desisyon ng US Congress hinggil sa Generalized System of Preferences grant.
Aniya, ang US ang ika-limang pinakamalaking pinagmumulan ng pamumuhunan ng Pilipinas noong 2022 na nagkakahalaga ng P5 billion.
Ang mas matalik na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagpapataas ng interes ng mga foreign investors sa Pilipinas.
Noong Enero 2023, ang US ay kabilang sa nangungunang tatlong pinagmumulan ng direct foreign investments.
Ang US din ang nangungunang pinagkukunan ng mga cash remittances ng Pilipinas noong Enero 2023.