-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na patuloy nitong binabantayan ang sitwasyon ng natitirang Filipino religious nun sa Gazaa City.

Sa gitna ito ng nagpapatuloy na labanan sa naturang lugar sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamas.

Ayon sa DFA, sinubukan nilang isama sa paglikas ang naturang madre ngunit nanindigan itong manatili sa Gaza.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin anila ang kanilang pakikipag-ugnayan dito sa pamamagitan naman ng Philippin Embassy sa Amman, Jordan.

Kung maaalala, nasa kabuuang 136 na mga Pilipino na ang nailijkas ng gobyerno mual sa Gaza na pawang pinagkalooban din ng tulong pinansyal ng DFA, DMW, at OWWA.