-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 08 13 23 46
IMAGE | Asian Sentinel

Nasa ika-51 pwesto ang Pilipinas mula sa 163 mga bansa pagdating sa Atlas of impunity o ang Impunity Index na sumusukat sa abuse of power dahil sa kawalan ng accountability.

Ang naturang assessment ay idinisenyo para subaybayan ang mga pag-abuso sa kapangyarihan sa limang key societal dimensions kabilang ang kawalan ng pananagutan sa pamamahala, pag-abuso sa karapatang pantao, conflict, economic exploitation at environmental degradation.

Ito ay inilathala ng global political risk firm na Eurasia Group kasama ang David Miliband at The Chicago Council on Global Affairs.

Ang Pilipinas ang ikaapat na nakakuha ng worst score mula sa 10 Southeast Asian countries kasunod ng Myanmar na nakakuha ng 3.85, Cambodia -3.26, at Laos na mayroong 3.05 puntos.

Mula sa limang nabanggit na dimension, lumalabas sa report na nasa pinakamababang pwesto ang Pilipinas pagdating sa pag-abuso sa karapatang pantao na nasa ika-20 pwesto.

Nasa ika-52 naman ang Pilipinas sa environmental degradation at ika-63 sa unaccountable governance.

Pang-56 naman ang bansa sa economic exploitation at ika-84 naman sa conflict at violence.

Nangunguna naman sa listahan ng may pinakamataas na impunity score ngayong taon a ng Afghanistan, Syria at Yemen habang ang Finland, Denmark at Sweden naman ang nakakuha ng may pinakamababang impunity scores.