-- Advertisements --
north korea nokor missiles

Nakisama rin ang Pilipinas sa pagkondena sa North Korea matapos ang serye nang pagpapakawala ng kanilang missiles na lalong nagpaigting sa tensiyon sa rehiyon.

Nababahala umano ang Pilipinas dahil ang ginagawa ng North Korea ay nagpapalala sa tensiyon na maaaring makaapekto sa kapayapaan sa Korean peninsula.

Kaugnay nito, ipinanawagan ng Pilipinas sa mga stakeholder na maghunos dili at rendahan ang kanilang mga sarili.

Dapat umanong sumunod ang North Korea sa obligasyon nito sa ilalim ng UN Security Council resolutions na tumitiyak sa kapayapaan at pakikipagdayalogo sa katabing South Korea.

Una nang napaulat na mula nitong nakalipas na Miyerkules ay nagpakawala ang North Korea ng halos 30 mga missiles na kabilang na ang intercontinental ballistic missile na ang isa ay tumama pa malapit sa South Korea’s territorial waters sa unang pagkakataon mula noon pang 1953 sa pagtatapos ng Korean War.

Sinasabing nagpoprotesta daw kasi ang Pyongyang dahil sa war games ng US at South Korea.