-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuloy ang operasyon nito ngayong Holy Week kahit naka-skeletal workforce mula April 2 hanggang 3.

Mananatiling bukas ang mga pangunahing serbisyo tulad ng disaster response at pagproseso ng Minors Traveling Abroad (MTA) permits, kabilang ang helpdesk sa Ninoy Aquino International Airport na 24/7 na nakaantabay para sa mga biyahero.

Ayon sa DSWD, pansamantalang hihinto ang ilang programa tulad ng AICS at ibang cash aid services, na babalik sa operasyon sa April 6. Tiniyak din ng ahensya na naka-standby ang kanilang mga team para sa anumang emergency o sakuna. (report by Bombo Jai)