-- Advertisements --
Muling nakuha ng Pilipinas sa ikatlong magkakasunod na taon ang pagiging Best Dive Destination in Asia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing pagkilala ay iginawad ng Travel Weekly Asia Reader’s Choice Awards 2025 na ginanap sa Singapore Merchant Court.
Tinanggap ni Philippine Ambassador to Singapore Medardo G. Macaraig ang parangal bilang kinatawan ng Philippine Tourism Promotion Board (TPB).
Nakuha na ng Pilipinas ang nasabing award mula 2021, 2023 at 2024.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng botohan ng mga readers at travel professionals sa Asia Pacific region.