Umaabot na sa kabuuang $14.2-B bilyon na utang at grants na nakuha ng Department of Finance para sa paglaban ng gobyerno sa COVID-19 noon pang 2020.
Kinabiblangan ito ng limang utang sa World Bank na nagkakahalaga ng $2.5 bilyon at $3.8 bilyon sa ADB loans.
Ang nasabing halaga ay hindi pa kasama dito ang $500 milyon na utang mula sa World Bank at $400-milyon financing mula sa Asian Development Bank (ABD).
Ang ADB na rin ang direktang magbabayad ng direkta sa mga supplier ng mga bakuna.
Ang malaking halaga na nakuha noong nakaraang taon ay ginastos sa mga budget sa priority programs at projects na nagkakahalaga ng $13.35 bilyon.
Bukod sa mga utang ay nagbigay din ang gobyerno ng Japan ng $18.74 milyon sa Department of Health (DOH) para sa pagbili ng mga medical equipments.