Naitala ng bansa ang pinakamamabang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob ng tatllong buwan.
Ayon sa data ng Department of Health (DoH), ang kaso ng COVID-19 ay nasa 943 lamang kahapon.
Ito na ang pinakamababang kaso mula noong July 5 na mayroong 832 cases.
Samantala, ang active cases ay bumaba rin sa 21,924 mula sa 22,850.
Dahil sa bagong kaso, ang nationwide tally ay lumobo na sa 96,818 habang ang bilang ng mga recoveries ay umakyar din sa 3,911,048.
Naitala naman ang 32 na bagong namatay kaya ang death toll sa ngayon ng nakamamatay na sakit ay nasa 63,846.
Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 na 6,939.
Sinundan ito ng Calabarzon na may 3,866, Central Luzon mayroong 2,295, Western Visayas na may 1,564 at Davao Region na may 1,362.