Ibinida ng Department of Tourism ang aabot 4.8 % o 5 milyong int’l visitor arrivals sa bansa bago matapos ang kasalukuyang taon.
Ginawa ni Tourism Secretary Ma. Christina Frasco ang pahayag kasunod ng naging pagdalo nito sa 1st Philippine Golf Tourism Summit .
Ayon sa kalihim, aabot sa 4.3 milyon o higit 91 porsyento mula sa naturang bilang ay mga foreign tourist
Ang nalalabi namang 391,000 o katumbas ng higit 8 % ay mga overseas Filipino na umuwi ng bansa.
Batay sa datos, nangunguna pa rin ang South Korea sa listahna ng mga intenational tourist na bumibisita sa Pilipinas na aabot sa higit isang milyon.
Sinusundan naman ito ng US, Japan, China at bansa Australia.
Kaugnay nito ay binigyang diin ng kalihim na patuloy na sumusunod ang kanilang ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Paliwanag pa nito na ang turismo ay mahalagang salik ng bansa upang makamit nito ang mas maayos na takbo ng ekonomiya .