-- Advertisements --

Nabigyan ng “Tier 1” Classification ang Pilipinas sa paglaban nito sa human trafficking.

Ito ay base sa US Department of State 2021 Trafficking in Persons (TIP) Report.

Ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), ang ibig daw sabihin nito ay buong natugunan na ng bansa ang minimum standards para sa pagsugpo sa trafficking sa ilalim ng Trafficking Victims Protection Act (TVPA) na isang komprehensibong federal law sa US.

Sinabi ni Deputy Executive Director Yvette Coronel ng IACAT, mismong si US Secretary of State Anthony Blinken ang naglabas ng klasipikasyon ng Pilipinas.

Aabot sa 188 government agencies ang nagsasagawa ng assessment sa anti-trafficking efforts ng bawat bansa kabilang na ang US.

Nakasaad sa ulat na maraming mga traffickers ang nasampahan na ng kaso kumpara sa mga nagdaang mga taon.