Muling naanawagan ang Pilipinas sa China na irespeto ang karapatan na magsagawa ng pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Kasunod ito sa panibagong insidente ng muntikang pagkabanggaan ng barko ng China at Pilipinas sa pinag-aagawang Spratly island.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Tess Daza, na mayroong legal na karabatan ang Pilipinas na magsagawa ng routine maritime patrols sa territorial waters at sa exclusive economic zone.
Magugunitang nagsasagawa ng BRP Malabrigo at BRP Malaspacua sa West Philippine Sea mula Abril 18 hanggang 24.
Noong Abril 19 bigla na lamang hinarang ng barko ng China ang daraanan ng mga barko ng Pilipinas na BRP Malapascua sa Ayungin Shoal naulit pa ito noong Abril 23.
Una ng itinanggi ng China ang insidente at sinabing kasalanan pa umano ng Pilipinas na tila nag-uudyok pa ng kaguluhan.