Iniulat ng Department of Health o DOH na tinatayang 190,000 ang kakulangan ng Pilipinas sa mga healthcare workers sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa na kabilang ang National Human Resources Master Plan 2020-2040 sa mga iprinisenta nila kay Pangulong Bongbong Marcos sa naganap na sectoral meeting kaninang umaga.
Ayon kay Herbosa, isa sa mga pangunahing dahilan ng kakulangan ay ang pag migrate at pagiging overseas Filipino worker ng mga healthcare worker.
Batay anya sa datos na ibinigay ni Migrant Worker Secretary Hans Leo Cacdac, 74% ng mga healthcare workers na umaalis sa bansa ay nurses.
Upang tugunan ang malaking kakulangan sa human resources ng healthcare sector, nakikita ng DOH ang ilang solusyon.
Kabilang dito ang pagbibigay ng health insurance, pabahay, at mga scholarship para sa mga health worker na nais pang mag-develop ng kanilang karera.
Layunin nito na hikayatin ang mga healthcare worker na piliing magtrabaho sa Pilipinas.