Muling nakakuha ng gold medal si Filipino Olympian at gymnast Carlos Yulo sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Siya ang pangatlong atleta na nakapagbulsa ng gintong medalya ng bansa.
Nangibabaw kasi si Yulo sa all-around tournament na mayroong individual total na 85,150 points.
Nagtapos naman sa silver medal ang team event ng bansa kung saan kasama ni Yulo sina Jan Timbang na mayroong 71.800 points, Juancho Besana mayroong 71.750, Justin Ace de Leon (59.600 points), John Matthew Vergara (42.450 points), at John Ivan Cruz (37.850 points).
Pumangalawa naman ang mga Vietnamese na sina Thanh Tung Le na mayroong 84.050 points at Phuong Thanh Dihn na may 82.450 points habang gold medal ang kanilang nakuha sa tea, events.
Magugunitang unang gintong medalya ang nakuha ng bansa sa nasabing torneyoo ay mula kay Francine Padios ng pencak silat habang ang pangalawang gintong medalya ay nasungkit naman ni Kurash athlete Jack Escarpe.
Pang-apat naman na gold medal ng bansa ay naibulsa ni Gina Inion-Araos ng womens’ kickboxing ng talunin si Waraporn Jaiteang sa 60 kgs. kickboxing finals.
Habang pang-limang gold medal ay napanalunan ni Jean Claude Saclag sa 63.5 kg. kickboxing finals.









