loops: Maritime exercise / mga barko / Australian Ambassador to the Philippines HK Yu / Australian Foreign Affairs Minister Penny Wong
Inihayag ng Australian Ambassador to the Philippines na malaki ang papel ng Manila sa Indo-Pacific Endeavor ngayong taon sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.
Ang pahayag ay matapos ang naganap programa na isang taunang aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa rehiyon na inorganisa ng Australian Defense Force.
Nilalayon nitong ipakita ang kanilang pangako sa pakikipagtulungan sa mga kasosyo sa rehiyon upang matiyak ang isang secure na Indo-Pacific sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa dagat.
Ang Indo-Pacific Endeavor ay magaganap sa Agosto 2023.
Ayon kay Australian Ambassador to the Philippines HK Yu, ang Indo-Pacific Endeavour ngayong taon ay magiging isa sa pinakamalaking magagawa ng Pilipinas at AUstralia.
Kung matatandaan, sinabi ni Australian Foreign Affairs Minister Penny Wong sa kanyang pagbisita sa Pilipinas noong Mayo, na nangangako ang Australia na palalakasin ang tulong nito sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pamamagitan ng pagbibigay ng drone equipment, pagsasanay, at teknolohiya.
Bukod sa maritime cooperation, dinagdagan din ng Australia ang Official Development Assistance (ODA) nito para sa ilang mga hakbangin, kabilang ang Mindanao peace process.
Una na rito, sinabi ni Yu na interes ng Australia na magtrabaho tungo sa isang matatag at mapayapang Indo-Pacific Region.