-- Advertisements --

Kabuuang 1,233 katao ang bubuo sa team Pilipinas sa pagsabak nila sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo 5 hanggang 17.

Ito mismo ang inanunsiyo ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.

Sa nasabing bilan, 905 dito ay mga atleta habang 257 naman ay mga opisyal.

Naniniwala si Tolentino na ang mga atleta na ipapadala ng bansa ay kayang makipagsabayan sa ibang mga atletang kalahok.

Mayroon kasing 608 na event at 38-sports ang inilaan ng Cambodia sa kanilang kauna-unahang pagkakataon na maging host ng SEA Games.

Lahat aniya ng mga sporting events ay lalahukan ng Pilipinas.