Nangako ang Pilipinas na magbibigay ng COVID-19 vaccines sa Myanmar sa kondisyon na hindi ito magamit para habulin ang mga kritiko ng military junta.
Sinabi ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pagdinig ng House committee on appropriations hinggil sa proposed 2022 budget ng Department of FOreign Affairs.
Ayon kay Locsin, ipinangako ng Pilipinas ang pagbibigay ng COVID-19 vaccines sa isang summit na dinaluhan ng mga Southeast Asian countries.
Iginiit ni Locsin na ang ibibigay na mga bakuna ng Pilipinas sa Myanmar ay hindi dapat gamitin para ipitin at ikulong ang mga lulutang na kritiko na nais magpabakuna kontra COVID-19.
Samantala, hindi naman malinaw kung gaano karami ang bakuna na ibibigay ng Pilipinas sa Myanmar.
Sa ngayon, hirap pa rin ang Pilipinas na makakuha ng sapat na bakuna para sa sariling COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.