-- Advertisements --

Kasama ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa na natukoy ng World Health Organization na may mataas na bilang ng mga batang hindi nababakunahan.

Ayon kay Dr. Robert Kezaala, medical officer on Vaccine-Preventable Diseases (VPD), na halos lahat ng mga bansa ay bumaba ang immunization rate dahil sa COVID-19 pandemic.

Dahil dito ay hinikayat nila ang mga bansa na dapat paigtingin ang kanilang vaccination programs.

Giit pa ni Kezaala na bago ang pandemiya ay magdanda ang ginagawang vaccination program ng DOH.

Nauna rito ay pinaigting na ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna sa mga batang may edad 0 hanggang 23 buwan laban sa polio, tigdas, mumps, rubella, diptheria at hepatitis B.