Sanib-puwersang magkakasa ng Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas, Japan, Australia, at United States sa simula bukas, Abril 7, 2024.
Sa inilabas na joint statement ng naturang mga bansa ay inanunsyo nito na isasagawa Nila ang naturang aktibidad sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas partikular na sa bahagi ng West Philippine Sea.
Dito ay inaasahang ipapamalas ng mga combined defense at armed forces ng naturang mga bansa ang kanilang mga commitment sa pagpapalakas pa ng regional at international cooperation sa isa’t-isa bilang pagsuporta sa ideolohiya ng isang bukas at malayang Indo-Pacific region.
Ang Maritime Cooperative Activity ay isasagawa ng mga naval, maritime at air force units na alinsunod pa rin sa pagsunod sa international law at gayundin sa domestic laws at rules ng mga bansang lalahok dito nang isinasaalang-alang pa rin ang safety of navigation, karapatan, at interes ng bawat ito.
Layunin nitong mas mapaigting pa ang interoperability ng defense at armed forces doctrines, tacticsm techniques, at procedures kasabay ng pagtataguyod pa sa right to freedom of navigation and overfight, gayundin sa pagrespeto sa maritime rights sa ilalim ng international law na alinsunod naman sa Un Convention on the Law of the Sea.
Kaugnay nito ay pawang muling nanindigan ang Pilipinas, Japan, Australia, at Estados Unidos kasama ang iba pang mga bansa para sa safeguarding sa international order nang Naka batay sa rule of law na nagsisilbi namang pundasyon Para sa isang mapayapa at stable na Indo-Pacific Region.
Kasabay nito ay muling pinagtibay ng naturang apat na bansa ang kanilang posisyon hinggil sa 20216 Artibitral Tribula Award bilang final and legally binding decision sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.