Inaasahan ng pamahalaan na makakakulekta ng hanggang P1.5-trillion na income tax pagsapit ng 2024.
Ang naturang projection ay mas mataas ng 11% kumpara sa kasalukuyang P1.398-trillion.
Bahagi ng projected collection, ayon sa Department of Finance, ay ang inaasahang mataas na net income at kita ng mga business establishment sa buong bansa.
Inaasahan kasing ang net income at tax sa profit o kita, ay bubuo sa 50.9% ng kabuuang target collection ng BIR sa susunod na taon.
Para sa individual income tax, taget ng Finance Department na makakolekta ng hanggang P771.16-billion sa susunod na taon. Mas mataas ito ng 26% kumpara sa kasalukuyang collection.
Para naman sa tax na makokolekta sa mga kumpanya, korporasyon, at iba pang negosyo, inaasahang mag-aambag ito ng hanggang P604.57-billion na tax sa susunod na taon.
Panghuli ay ang iba pang income tax collection na inaasahang papalo ng hanggang P176.9-billion mula sa kasalukuyang P161.4-billion.