-- Advertisements --
image 231

Hindi tumanggap ang Pilipinas ng rekomendasyon sa usapin ng same-sex marriage mula sa member-state ng UN Human Rights Council (UNHRC).

Paliwanag ni Justice Secretary Jesus Remulla na hindi pa handa ang ating bansa para sa same-sex marriage o pagpapakasal sa kaparehong kasarian base na rin sa ating konserbatibong kultura.

Maaari aniya na magkaroon ng conflict ang ating values sa maraming values na nais nilang ipairal sa ating bansa.

Liban pa dito, diretsahang hindi tinanggap ng Pilipinas ang rekomendasyon ng member-state ng United Human Rights Council para sa legalidad ng abortion at divorce sa bansa..

Ito ay dahil na rin sa ating national identity, religious beliefs at cultural traditions at ang soberanya ng ating bansa na kailangan nating panindigan at protektahan sa lahat ng pagkakataon.

Una ng sinabi ng DOJ na nasa 200 rekomendasyon ang tinanggap ng bansa sa Universal Periodic Review, na isang peer-review mechanism ng UN Human Rights Council (UNHRC).