Naniniwala ang isang opisyal ng pamahalaan na malaki ang benepisyo sa bansa ng pagratipika sa Regional Comprehensive Economic Cooperation (RCEP).
Sa kabila nito, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo na dapat ay magkaroon pa rin ito ng safeguards para masiguro na ang mga key agricultural products ay protektado.
Ang Regional Comprehensive Economic Cooperation ay free trade deal sa Australia, China, Japan, South Korea, New Zealand at 10-member ASEAN na layong maibababa ang mga taripa para sa mga piling goods para sa mga participating nations.
Sinabi ni Castelo, limitadong agricultural tariff lines din lamang ang maaapektuhan kapag naipatuad na ang Regional Comprehensive Economic Cooperation.
Aniya nasa 15 agricultural products ang apektado at hindi naman daw ito basic agricultural products na mayroon ang bansa.
Hindi naman kasama rito ang bigas, asukal at mais at iba pang basic agriculture products na karaniwang kinokonsumo.
Kung maalala, sa naunang statement, isa raw sa mga isinusulong ng Presidential Communications Office ay ang Regional Comprehensive Economic Cooperation.
Una rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na sa ilalim ng kanyang panunungkulan, hindi raw ito sigurado kung ang agriculture sector ng bansa at sapat para sa kompetisyon.
Sa kabila naman ng pagkontra ng ilang agriculture groups, sinabi ni Castelo na handa na ang bansa sa Regional Comprehensive Economic Cooperation habang ang agriculture department ay naka-focus naman sa industrialization at modernization ng sector.
Sinabi ng mga kritiko na dapat daw ay mapagandan muna ang agriculture sector bago payagan ang foreign imports.










