Halos isandaang porsyento nang nakahanda ang Pilipinas para sa FIBA World Cup 2023.
Ito ay batay sa assesment na ginawa ng Joint Management Committee ng FIBA World Cup Local Organizing Committee, kasunod ng kanilang pakikipagpulong sa Philippine Sports Commission.
Ayon kay FIBA World Cup Chief Implementor Ramon “Tats” Suzara, nasa 98% na ang kahandaan ng Pilipinas para magsilbing host sa nasabing turneyo.
Ang dalawang porsyentong natitira aniya ay ang mga aayusing mga lamesa, mga upuan, at iba pang mga display.
Maging ang mga makakasamang staff ay nakahanda na rin aniya sa kani-kanilang tungkulin.
Ayon sa Joint Management Committee, tiyak na masusurpresa ang bawat isa, lalo at target nila ang world class basketball hosting.
Inaasahan namang magiging kaabang-abang ang mga performance ng mga local artist sa bansa na naimbitahan upang ipakita ang kanilang talento.
Samantala, magsisilbi namang training facilities ang Rizal Memorial Sports Complex in Manila, and Philsports Complex in Pasig.