-- Advertisements --
PBBM 3

Target ng pamahalan na gawing upper middle income country ang pilipinas pagsapit ng taong 2025.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. na ito ang pangunahing layunin ng Philippine development plan 2023 hanggang 2028.
Ayon sa pangulo, nakapaloob sa mithiing ito na pasiglahin ang paglikha ng mga trabaho at mabawasan ang antas ng kahirapan sa bansa.
Maliban sa pag unlad ng ekonomiya, layunin din aniya ng phil devt plan na matutukan ang pag unlad ng lipunan at proteksyon, maging matibay ang bansa laban sa mga kalamidad, magkaroon ng digital transformation at iba pa.
Mahalaga aniyang mapalakas ang connectivity sa ating mga isla at sa iba pang bahagi ng mundo para maging Madali ang paglilipat ng goods and services at ng mga tao para mapanatiling aktibo ang ekonomiya