Nag-host ang Philippine Air Force (PAF) ng Japan Air Self Defense Force (JASDF) para sa ikalawang pag-ulit ng Bilateral Training on Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) at Search and Rescue (SAR) Execution na tinaguriang “Doshin-Bayanihan 2- 22.
Sinabi ni Lt. Gen. Connor Anthony Canlas Sr., PAF Commanding General, na ang pagsasanay ay ginanap sa iba’t ibang air base kabilang ang Clark Air Base (CAB) sa Mabalacat City Pampanga; Colonel Ernesto Ravina Air Base (CERAB) sa Capas, Tarlac; at Wallace Air Station sa San Fernando, La Union mula Hunyo 21 hanggang 24.
Mahigit 300 PAF personnel at 16 JASDF personnel ang lumahok sa iba’t ibang aktibidad tulad ng flight training na may airdrop at ground load/offload gamit ang C-130 aircraft mula sa dalawang bansa.
Ang PAF contingent ay pinamumunuan ni Col. Jerry Paneda, acting Director for Operations (DO) ng 580th Aircraft Control and Warning Wing (ACWW), habang ang JASDF contingent ay pinangunahan ni Major Kazunori Takahara, mula sa 1st Tactical Airlift Wing.
Lumahok din ang mga dumalo sa subject matter expert exchange (SMEEs) sa babala at pagsubaybay, at search and rescue.