-- Advertisements --
Amb Manalo on ceasefire btwn Israel and Hamas

Lumagda ang Pilipinas at Ireland ng isang Memorandum of Understanding para sa mas maayos na ugnayan ng dalawang bansa.

Naging kinatawan ng Pilipinas si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo Habang si Irish Ambassador to the Philippines William Carlos namang ang kumatawan sa Ireland.

Layunin ng nasabing MOU na makabuo ng isang bilateral consultation mechanism sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa ilalim nito, magpupulong ang delegasyon ng dalawang bansa kada taon upang pag-usapan ang kooperasyon ng mga ito, sa ilalim ng iba’t ibang mga larangan, katulad ng ekonomiya, kalakalan, at maging sa kultura ng dalawang bansa.

Kasama rin sa mga maaaring pag-usapan ng dalawang bansa ang pananaw ng bawat isa, ukol sa usapin ng international affairs.

Nakapaloob din dito na maaaring isasagawa ang kanilang bilateral talks sa Manila o sa Dublin na siyang kapital ng Ireland, o kung hindi man ay pipili na lamang ng isang third country

Ginawa ng Pilipinas at Ireland ang paglagda sa nasabing agreement, kasabay ng pagdiriwang ng mga ito sa ika-39 na anibersaryo ng pagkakabuo ng magandang ugnayan ng dalawang bansa.