-- Advertisements --
Isinilang na ni Rihanna ang ikatlong anak nila ng rapper na si A$AP Rocky.
Ayon sa kampo ng singer na nagsilang ito nitong Setyembre 13 sa isang pagamutan sa Los Angeles.
Mayroon ng dalawang anak na lalaki ang mag-asawa na sina Riot Rose at RZA.
Sa social media account nito ay ibinahagi ng singer ang larawan ng bagong silang na anak na pinangalanan niyang si Rocki Irish Mayers.