-- Advertisements --
image 28

Handang-handa na raw ang Pilipinas sa pangunguna nito sa bilateral military exercise kasama ang United States ngayong linggo.

Sa isang statement, sinabi ng Philippine Marine Corps (PMC) na sisimulan ng 6th iteration ng kanilang “Kamandag” exercises kasama ang United States Armed Forces ngayong araw sa Philippine Navy Officers Club sa Taguig City.

Ang “Kamandag,” na abbreviation ng “Kaagapay Ng Mga Mandirigma ng Dagat,” ay magsasagawa ng exercize sa ilang bahagi ng Luzon mula sa October 3 hanggang 14.

Sinabi naman ng PMC na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang mga military personnel mula sa Japan at South Korea ay lalahok sa exercises pero bilang observers lamang.

Sinabi rin ng PMC na layon ng exercises na mapatibay pa ang bilateral cooperation at interoperability sa mga participating forces sa pagsasagawa ng combined tactical operations na siyang sentro ng exercize para makita ang kapasidad ng Marine Amphibious Ready Unit at mapaganda ang capabilities sa Special Operations, Coastal Defense Capability, Humanitarian Assistance at Disaster Response (HADR) Operations at Chemical, Biological, Radiological at Nuclear Operations.

Looking forward naman daw ang Philippine Marine Corps sa pagsasagawa ng KAMANDAG Exercise kasama ang foreign military allies dahil sila ay mas advance kung pag-uusapan ang amphibious operations, special operations, HADR operations, and territorial defense capabilities.

Ayon kay PMC commandant MGen. Charlton Sean Gaerlan, sa pamamagitan daw ng naturang exercise, kailangan daw ay matutunan ang kanilang mga their techniques, tactics at procedures para ma-develop ang interoperability strategy sa Philippine Marine Corps lalo na’t mag-o-operate na ang Marine Corps Operating Concept for Archipelagic Coastal Defense.

Sa bahagi naman ng US Marine Corps, magde-deploy daw ang mga ito ng 5,500 ng kanilang personnel para lumahok sa exercises kabilang na ang Okinawa, Japan-based 3rd Marine Division para sa exercise ng command at control.

Sinabi rin ng Marine Corps na hindi lamang pagtitibayin ang military ties sa pagitan ng US at Pilipinas kundi kasama na rin ang bansang Japan.