Aalisin na rin daw ng Pilipinas ang pagtukoy sa COVID-19 pandemic bilang isang “emergency.”
gayunman sinabi ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hindi pa naman tatanggalin ang nationwide state of calamity dahil may mga isyu pa na hindi naisasaayos lalo na ang ilang non-health issues.
Ginawa ni pangulong Marcos ang pahayag nang matanong kung magpapatupad ng dagdag na restrictions ang bansa dahil sa panibagong lumutang na COVID-19 subvariants katulad ng na-detect sa ilang rehiyon sa bansa.
Sa kabila nito ipinagmalaki ng pangulo na sa panahon na ito ay alam na ng Department of Health (DOH) ang pagtukoy kung sino sino ang mga vulnerable sa COVID-19 kumpara noong bago pa lamang ang pandemya na kulang ang kaalaman ng mundo.
Paliwanag naman ng pangulong marcos na kailangan na humiwalay na ang abnsa sa emergency situation para magbukas na rin ang mga negisyo at pumasok ang mga turista.
inihalintulad niya ang covid cases na hindi na emergency dahil sa huling maihahalintulad na lamang ito sa mga flu, pnuemonia, na tuloy Tuloy na ang pagharap sa sakit na ito.