LEGAZPI CITY – Patuloy pa ang paghaba ng pila ng mga stranded na sasakyan sa Matnog port sa Sorsogon dahil sa Bagyong Ursula.

Ito ay sa kabila ng apela ng Philippine Coast Guard-Sorsogon at ng provincial government sa Land Transportation Office na huwag nang payagang makabiyahe ang mga sasakyan patungo sa naturang lugar.

Samantala, lumobo pa sa 12,734 na pasahero ang stranded sa mga pantalan sa lalawigan.

Kabilang sa mga ito ang nasa 374 pasahero sa Pilar port; 43 sa Bulan; at 10,358 na pasahero sa Matnog port.

Mayroon namang nasa 1,123 na rolling cargoes ang hindi na rin pinayagang makabiyahe.

Kaugnay nito, mapilipitang magdiwang ng Pasko sa pantalan ang libu-libong stranded na passengers.