-- Advertisements --

Naibenta lamang sa halagang $117 ang painting ng sikat na Spanish artist na si Pablo Picasso.

Napanalunan ni Ari Hodara ang “1 Picasso for 100 euros’ raffles.

Inuwi niya ang 1941 gouache “Tete de Femme” na painting at ito ay nagkakahalagaa ng mahigit $1-milyon.

Umabot sa 120,000 na mga tickets ang naibenta at ang kita dito ay ibibigay sa Alzheimer’s Research Foundation na siyang nagsusuporta sa clinical research sa Europa.

Si Hodura ay isang art lover mula sa Paris na nagtatrabaho sa isang software company.

Kuwento nito na sa unang nakatanggap ito ng tawag ay hindi siya makapaniwala kung saan inutusan siya ng organizer na manood ng live stream at doon napatunayan na nanalo siya.