-- Advertisements --
Inilampaso ng Phoenix Suns ang Los Angeles Clippers para itala ang ikalawang panalo ngayong bagong NBA season, 112-95.
Nanguna sa diskarte si Devin Booker na kumamada ng 35 points habang ang veteran point guard ng Suns na si Chris Paul ay nagtala ng bagong kasaysayan.
Nagawa kasing umabot na ni Paul sa 11,000 assists bilang ikatlong player sa NBA history.
Dahil dito napasama na si Paul sa iba pang mga NBA legends na si John Stockton at Jason Kidd bilang tanging mga players sa NBA history na nagposte ng napakaraming mga assists.
Si Chris din ang unang player sa liga na may 20,000 points at 11,000 assists.
Sa ngayon si Paul, na binabansagan din na isa sa “greatest point guard” ng NBA sa edad na 37-anyos ay nasa kanyang ika-17 season na sa liga.