-- Advertisements --

Tinambakan ng Phoenxi Super LPG ang Terrafirma Dyip 103-84 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Dominado ng Fuel Masters ang laro kung saan sa first half pa lamang ay umabot sa 30 puntos ang kanilang kalamangan.

Bumida sa panalo ng Phoenix si Jonathan Williams na mayroong 29 points at 13 rebounds par makuha ang ikatlong sunod na panalo at solohin ang ikalawang puwesto.

Nag-ambag naman ng 13 points si RJ Azul habang para maitala ng Fuelmaster ang apat na panalo at isang talo.

Sinabi ni Phoenix coach Jamike Jarin na labis silang nagpasalamat dahil sa naipanalo ang laro kahit wala sina Javee Mocon at Larry Muyang.

Nasayang naman ang ginawang 18 points ni Thomas de Thaey at 13 points ni Ed Daquiloag para sa Dyip.