-- Advertisements --

Naiwasan ng Phoenix Super LPG na ma-sweep ng Magnolia Hotshots sa Game 3 PBA Commissioner’s Cup 103-85.

Anim na manlalaro ng Fuel Masters ang nagtala ng double digits para habulin ang 21 points na kalamangan ng Magnolia sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Nanguna si import Jonatahn Williams III na may 19 points, 15 rebounds habang mayroong tig-14 points sina Sean Manganti, Kenneth Tuffin at Javee Mocon.

Pinasalamatan naman ni coach Jamike Jarin ang kaniyang manlalaro dahil sa pagsusumikap na mabuhay pa ang kanilag tsansa sa finals.