-- Advertisements --

Nagdesisyon si Phoenix Suns owner Robert Sarver na kaniyang ibebenta ang nasabing koponan.

Kasunod ito sa ginawang pagpataw sa kaniya ng $10 milyon na multa at isang taon na ban dahil sa racist at misogynist comments at ang reklamong pang-aabuso sa trabaho.

Susn

Sinabi ni Sarver na ginawa niya ang lahat ng makakakaya para mapabuti ang koponan.

Sinimulan na rin niyang iproseso ang paghahanap ng buyer ng Suns at maging ang WNBA team na Mercury.

Ang nasabing desisyon aniya ay siyang nakakabuting hakbang para sa koponan.

Hindi lamang para sa koponan makakabuti ang desisyon at sa halip ay maging sa mga fans, players at empleyado ng koponan.

Magugunitang hindi kuntento si NBA player union chief Tamika Tremaglio at ilang NBA stars gaya nina LeBron James at Christ Paul sa ipinataw na kaparusahan kay Sarver.