-- Advertisements --

Naitala ng Phoenix Super LPG ang kanilang ika-limang sunod na panalo matapos talunin ang TNT 91-88 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap Ynares Center sa Antipolo City.

Bumida sa panalo ng Phoenxi ang kanilang import na si Kaleb Wesson na nagtala ng 23 points, 17 rebounds, apat steals at tatlong blocks.

Habang mayroong 16 points si Encho Serrano.

Mayroon ng limang panalo at tatlong talo ang Phoenix habang ang TNT ay mayroong tatlong panalo at apat na talo.