-- Advertisements --

Tinapos na ng Barangay Ginebra ang kampanya ng Phoenix Super LPG sa PBA Philppine Cup.

Sa laro ng dalawang koponan sa Araneta, Coliseum, hindi pinaporma ng Gin Kings ang Phoenix 100-93.

Tiyak na ang pagpasok ng Ginebra sa playoffs na mayroong walong panalo at tatlong talo habang ang Fuel Masters ay mayroong tatlong panalo at walong talo.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Japeth Aguilar na mayroong 17 points habang mayroong 14 points si Scottie Thompson.