-- Advertisements --
Pinigil ng Phoenix Super LPG ang Terrafirma para makuha ang unang panalo 116-94 sa patuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.
Pinangunahan ni Matthew Wright ang panalo na nagtala ng 33 points.
Nag-ambag naman ng 12 points , 10 rebounds at 10 assists si Calvin Abueva.
Nag-ambag naman ng 16 points si RJ Jazul, tig 14 points sina Jason Perkins at Brian Heruela habang mayroong 10 points si Justin Chua.
Ito na ang pang-limang panalo at tatlong talo ng Fuel Masters habang wala pang naitalang panalo ang Terrafirma Dyip.
Pinasalamatan naman ni Phoenix coach Topex Robinson ang kaniyang mga players dahil sa team works na pinagana nila para manalo.