bowling PH sea games

MANDALUYONG CITY – Bigo ang pambato ng Pilipinas na makopo ang gintong medalya sa Bowling women’s singles sa nagpapatuloy na ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games.

Nagtapos sa ika-walong pwesto si Liza del Rosario; pang-11 puwesto si Alexis Sy; at pang-17 at 18 naman sina Bea Hernandez at Lara Pasadas-Wong.

Samantala, one-three finish ang Singaporean team.

Nasungkit ni Be Hui Fen ang gitong medalya habang bronze naman ang kay Shayna Ng.

Pumangalawa sa kompetisyon ang pambato ng Indonesia na si Tannya Roumimper. (By Bombo Ronald Tactay)